Mga Opsyon sa Paggamot para sa Pagpalya ng Kidney
Hindi na masasala ang dugo kapag pumalya ang mga kidney. Maiipon sa katawan ang basura at ekstrang likido. Hindi na magiging balanse ang mga kemikal. Dahil dito magkakasakit ka at magiging sanhi pa nga ng kamatayan. Walang lunas ang pagpalya ng kidney. Ngunit maaaring makatulong ang ilang paggamot upang panatilihing gumagana ang iyong katawan nang pinakamahusay na kaya nito.
Dialysis
Ang dialysis ay paggagamot na sumasala ng dugo. May dalawang uri ng dialysis:
-
Ang hemodialysis ay nagsasala ng dugo na may pansala na nakakabit sa isang aparatos. Dumadaloy ang dugo mula sa iyong katawan patungo sa makina. Lilinisin at babalik ang iyong dugo sa iyong katawan.
-
Gumagamit ang peritoneal dialysis ng natural na lining sa iyong tiyan (abdomen). Gumagana sa lining ang inilalagay na likido sa loob ng iyong tiyan para linisin ang iyong dugo.
 |
Hemodialysis |
 |
Pagtanggap ng kidney dialysis sa lining ng tiyan o peritoneum |
Pag-transplant ng kidney
Ang pag-transplant ng kidney ay isang uri ng operasyon. Ito ang paraan na mas gusto ng mga doktor para lunasan ang pagpalya ng kidney. Kumpara sa dialysis, makapagbibigay sa iyo ang transplant ng mas mabuting kalidad ng buhay. Maaari din itong magbigay ng mas mahabang buhay. Tatanggalin ang kidney mula sa ibang buhay na tao o mula sa isang organ donor na kamamatay lang. Pagkatapos, ilalagay ang nai-donate na kidney sa iyongkatawan. Inilagay ang bagong kidney malapit sa iyong pantog. Hindi inalis ang mga dati mong kidney. Sa sandaling mailagay na ito, ang bagong kidney na ang magtatrabaho ng hindi na kayang gawin ng iyong palyadong kidney. Hindi mo kailangan ng dialysis kung matagumpay ang transplant.
 |
Nai-transplant na kidney |
Mga Gamot
Maaari ding kailanganin mo ang mga gamot na makatutulong sa iba pang gawain ng iyong mga kidney. Karagdagan ito sa isa sa mga paggamot na nakalista sa itaas. Makapagsasabi pa ng higit ang iyong pangkat ng pangangalagang pangkalusugan ng tungkol sa mga gamot na ito.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.