Pananakit ng Tainga, Walang Impeksiyon (Adulto)
Ang pananakit ng tainga ay maaaring mangyari kahit walang impeksyon. Maaaring mangyari ang mga ito kapag naipon ang hangin at likido sa likod ng eardrum. Maaaring magdulot ang mga ito ng pakiramdam na punong-puno ang tainga at kawalan ng ginhawa. Maaari ding magpahina ng pandinig ang mga ito. Tinatawag itong otitis media with effusion (OME) o serous otitis media. Ibig sabihin nito, mayroong likido sa gitna ng tainga. Hindi ito kapareho ng acute otitis media, na kadalasang mula sa impeksiyon.
Maaaring mangyari ang OME kapag mayroon kang sipon kung hinaharangan ng pagbara ang daluyan na nilalabasan sa gitna ng tainga. Tinatawag ang daluyang ito na eustachian tube. Maaari ding mangyari ang OME kapag may allergy sa ilong o pagkatapos ng impeksiyon ng bakterya sa gitna ng tainga. Iba pang mga sanhi ang:
-
Trauma
-
Impeksiyon ng bakterya sa mastoid bone (mastoiditis)
-
Bukol
-
Mga pagbabago sa presyon, gaya ng mula sa paglipad o scuba diving

Maaaring magpabalik-balik ang pananakit o kawalan ng ginhawa. Maaari kang makarinig ng mga tunog na paglagitik o pagputok kapag ngumunguya o lumulunok ka. Maaari kang makaramdam ng pagkawala ng balanse. O maari kang makarinig ng pag-ugong sa tainga.
Kadalasang tumatagal ito ng ilang linggo hanggang 3 buwan para mawala nang kusa ang likido. Nakatutulong ang mga iniinom na pampahupa ng kirot at pamatak sa tainga kung may pananakit. Nakatutulong kung minsan ang mga decongestant at antihistamine. Hindi nakatutulong ang mga antibiotic dahil walang impeksiyon. Maaaring magbigay ng nasal spray ang iyong tagapangalaga ng kalusugan para makatulong na bawasan ang pamamaga sa ilong at eustachian tube. Magbibigay-daan ito sa tainga na matuyo.
Kung hindi bumubuti ang iyong OME pagkaraan ng 3 buwan, maaaring gawin ang operasyon para alisin ang likido. Maaari ding maglagay ng maliit na tubo sa eardrum para makatulong sa pag-alis ng likido.
Dahil maaaring maimpeksiyon ang likido sa gitna ng tainga, bantayan kung may mga senyales ng impeksiyon. Maaaring magkaroon ng mga ito kinalaunan. Maaaring kabilang sa mga ito ang tumitinding pananakit ng tainga, lagnat, o pagtagas mula sa tainga.
Pangangalaga sa tahanan
Makatutulong sa iyo ang mga payong ito sa pangangalaga sa tahanan upang maalagaan ang iyong sarili:
-
Maaari kang gumamit ng mga gamot na nabibili nang walang reseta ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan para makontrol ang pananakit, maliban kung may iniresetang gamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga bago gumamit ng anumang gamot kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o kidney o nagkaroon ng ulser sa sikmura o pagdurugo ng GI.
-
Itanong sa iyong tagapangalaga kung maaari kang gumamit ng mga decongestant na mabibili nang walang reseta gaya ng phenylephrine o pseudoephedrine. Tandaan na hindi ito palaging nakatutulong.
-
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa paggamit ng mga nasal spray decongestant. Huwag gamitin ang mga ito nang higit sa 3 araw, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga. Maaaring mapalubha ang pagbara ng matagalang paggamit. Kadalasang walang ganitong mga paghihigpit ang mga iniresetang nasal spray mula sa iyong tagapangalaga.
-
Maaaring makatulong ang mga antihistamine kung mayroong ka ring mga sintomas ng allergy.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ayon sa ipinayo.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
-
Lumulubha o hindi nagsisimulang bumuti ang pananakit ng tainga
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o katulad ng itinagubilin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Pagtagas ng likido o dugo sa tainga
-
Pananakit ng ulo o ilong
-
Mga pagbabago sa pandinig
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung nangyayari ang anuman sa mga sumusunod: