Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Dysuria

Ang dysuria ay kapag nakakaramdam ka ng pananakit habang umiihi. Kadalasan nang inilalarawan ito na pakiramdam na nag-iinit. Alamin ang higit pa tungkol sa problemang ito at kung paano ito magagamot.

Balangkas ng katawan ng tao na ipinakikita ang harapan ng daluyan ng ihi.
Ang masakit na pag-ihi (dysuria) ay kadalasang sanhi ng problema sa daanan ng ihi.

Ano-ano ang dahilan ng dysuria?

Kabilang sa mga posibleng sanhi ang:

  • Impeksiyon ng bakterya o virus tulad ng impeksiyon sa daanan ng ihi (UTI) o impeksiyon na naipapasa sa pakikipagtalik (STI)

  • Pagiging sensitibo o allergy sa mga kemikal tulad ng mga natatagpuan sa mga losyon at iba pang produkto

  • Mga problema sa prostate o pantog

  • Radiation therooapy sa pelvic area

Paano nada-diagnose ang dysuria?

Susuriin ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan at tatanungin ka tungkol sa mga sintomas mo at kasaysayan ng kalusugan. Pagkatapos makipag-usap sa iyo at gawin ang pagsusuri ng katawan, maaaring malaman o hindi ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ano ang nagdudulot ng iyong dysuria. Pinakamalamang na kakailanganin mo ang mas maraming pagsusuri, gaya ng sampol ng ihi. Kasama sa mga pagsusuri ng iyong ihi (urinalysis) ang:

  • Pagtingin sa sampol ng ihi (visual exam)

  • Pagsusuri para sa mga substansya (chemical exam)

  • Pagtingin sa kaunting dami ng ihi sa mikroskopyo (microscopic exam)

Maaaring gawin ang ilang bahagi ng pagsusuri ng ihi sa opisina ng tagapangalaga. Ang ilan ay maaaring gawin sa laboratoryo. Maaari ding tingnan ang sampol ng ihi para sa bakterya at yeast (urine culture). Sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang higit pa tungkol sa mga pagsusuring ito kung kailangan ang mga ito.

Paano ginagamot ang dysuria?

Ang paggamot ay depende sa sanhi. Kung mayroon kang impeksiyon ng bakterya, maaaring kailanganin mo ang antibayotiko. Maaaring bigyan ka ng mga gamot upang mas madali kang makaihi at makatulong na maibsan ang pananakit. Maaaring sabihin sa iyo ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang higit pa tungkol sa iyong mga opsyon ng paggamot. Maaaring lumala ang mga sintomas kung hindi magagamot.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag agad sa tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod:

  • Lagnat na  100.4° F ( 38°C ) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga

  • Hindi bumubuti pagkalipas ng 3 araw na gamutan

  • Nahihirapan sa pag-ihi dahil sa pananakit

  • Bago o dumaming inilalabas mula sa puwerta o ari ng lalaki

  • Pamamantal o pananakit ng kasu-kasuan

  • Mas tuminding pananakit ng likod o tiyan

  • Lumaki at masakit na mga kulani (mga lump) sa singit

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer