Pasa sa Paa
Ikaw ay may bugbog sa balat. Ito ay tinatawag ding pasa. May pamamaga at pagdurugo sa ilalim ng balat, ngunit walang mga nabali na buto. Ang pinsalang ito ay karaniwang tumatagal ng ilang araw hanggang ilang linggo upang gumaling. Sa panahong iyon, ang pasa ay karaniwang nagbabago ng kulay mula sa mapula tungo sa kulay lila na may asul, berde na may dilaw, pagkatapos ay dilaw na may kayumanggi.
Pangangalaga sa Tahanan
-
Itaas ang paa upang mabawasan ang pananakit at pamamaga. Hangga't maaari umupo o humiga ng nakataas ang paa sa lebel ng iyong puso. Ito ay mahalaga sa unang 48 na oras.
-
Lagyan ng yelo ang paa upang makatulong sa pagbabawas ng pananakit at pamamaga. Balutan ng isang manipis na tuwalya ang mapagkukunan ng lamig (ice pack o piraso ng yelo sa loob ng isang supot) Ilagay ito sa dako na may pasa ng 20 minuto kada 1 hanggang 2 oras sa unang araw. Ipagpatuloy ito ng 3 hanggang 4 na beses sa isang araw hanggang mawala ang pananakit at pamamaga.
-
Maliban na lamang kung may ibang gamot na inireseta, maaari kang uminom ng acetaminophen, ibuprofen o naproxen upang makontrol ang pananakit. (Kung ikaw ay matagal ng may sakit sa atay o bato o nagkaroon ng ulser o pagdurugo sa tiyan, makipagusap sa iyong doktr bago gamitin ang mga gamot na ito.)
Bumalik
Bumalik muli sa tagapangalaga ng iyong kalusugan o ayon sa ipinayo ng aming kawani. Tumawag kung ikaw ay hindi bumubuti sa loob ng 1 hanggang 2 linggo.
Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo
Tawagan kaagad ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod:
-
Tumitinding pananakit o pamamaga
-
Ang paa o binti ay nagiging malamig, asul, manhid o may pangingilabot
-
Senyales ng impeksyon: Mainit na pakiramdam, drenahe o tumitinding pamumula o pananakit sa paligid ng pasa
-
Kawalang kakayanan na igalaw ang napinsalang paa
-
Madalas na pagpapasa sa hindi malamang dahilan
Online Medical Reviewer:
Eric Perez MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Ronald Karlin MD
Date Last Reviewed:
8/1/2019
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.